Archive for the ‘career…karera’ Category

silencio

Posted: October 1, 2010 in career...karera
Hindi lahat ng saloobin ay buong laya mong ihahayag sa kahit na sino. Bakit? Parang baraha di lahat ng alas ipapakita mo…ilalabas mo. Dahil ang bawat alas na ibaba ay maaaring gamitin laban sa yo.
Nagtatanong ang isip ko. Naisip mo kayang minsan maaaring ipinaririnig lang sayo ang mga nais mong madinig? Ipinapakita ang nais makita?
Hindi lahat ng alas maaring ibaba. Unti-unti lang…
Kaya ko pang manahimik. Nasisiyahan ako sa pananahimik. Pero ang isang tahimik ay nabibingi rin. Pero kailangan manatiling tahimik…hawak ang mga alas…di maaring bitawan. Hawak ng mahigpit…abutin ang mga pangarap. Darating ang panahon mababasag din ang katahimikan…MABABASAG DIN!

kumakalat na sakit

Posted: April 20, 2010 in career...karera

P: Kamusta ka?

H: Mabuti naman po, kayo po?

P: Ok lang din.

H: Alam mo may dinaramdam ako…

P: O ano yun?

H: May malubha akong karamdaman at kailangan ko ng pera pampagamot

P: O bakit di ka lumapit sa nakatataas ng matulungan ka?

H: Ayoko, manghihiram na lang ako sa iba. Kahit mataas interes.

P: O bakit naman? Mas maganda ang ma-ioofer nila sayo, matataga ka sa interes kung sa labas.

H: Kasi alam kong pag sinabi ko sa nakatataas, sigurado akong kakalat ang bagay na ito at nakakahiya. Wala namang nakakalusot sa kanila. Lahat ng gusto nilang pag-usapan kahit makasakit ng ibang tao ikakalat nila.