Tagalized emotions…(december 14, 2009 Taco Bell TRINOMA)

Nakaramdam ka na ba na para kang sinipa ng kabayo sa mukha pero di literal?

“Hypothetical lang”.

Yung para kang nadapa at mistulang humulma na sa lupa ang mukha mo?

Ulit “Hypothetical lang”.

Nakaramdam ka na ba ng ganun?  Kung naramdaman mo yun ngayon o kahit noong  mga nagdaang araw , aayyy…kawawa ka naman…how sad?

Akala mo inagawan ka ng lollipop ng kalaro mo yun pala wala ka naman talagang lollipop. Ang pangit noh? Para kang sira…Ang malala pa dun, ni hindi ka man lang nagtanong kung kinuha niya nga…wala lang naisip mo lang na kinuha niya. Yung tipong “out of nowhere” ba.

Eh pano pag dumating ang araw ng pagtalisod sayo ng katotohanan? Ano na ang gagawin mo?

ALAM KO NA!

A. Kunwari walang nangyari.  Joke lang lahat ng kinalat mong kwento. Tatawa- tawa ka ulit na parang ‘wala lang’.Ang mag- SORRY? Wala sa bokabularyo mo yun…

B.  Kunwari di ka natalisod ng katotohanan, yung tipong lumihis ka- umilag pala. Eh di hindi pa rin kayo bati. Para sayo, naagaw pa rin niya lollipop mo. Tawag sayo…Naninindigan. Naka naman!

C. At ang panghuli, nilunok mo ang katotohanan at natuto ka ng leksyon. Wag ka kasing turo ng turo baka manuno ka niyan.

Alin man ang pinili mo…di mo ba naisip…para sa kamoteng lollipop pinasakit mo ulo mo? Unless nag-enjoy ka. Sana Chupa chups man lang pinag-aksayahan mo ng panahon, eh yung mamiso lang ata sa tindahan. Sakit sa ulo diba? Well unless nag-enjoy ka nga.

Ako OO, nag-enjoy ako sa pagsulat nito. Tawa ako ng tawa kasi nakakatawa ka.

Lollipop lang? Anak-ng-kamote!

Ako kahit “tera-tera” pa yan…mamimigay ako.

Share your blessings ika nga diba?

-haze-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s